Sen. Imee Marcos, Pinaiimbestigahan ang sobrang singil sa matrikula ng ilang unibersidad

Pinaiimbestigahan ni Senator Imee Marcos ang reklamo ng ilang magulang tungkol sa kwestiyonableng bayarin sa mga pribadong unibersidad sa Metro Manila.

Sa Senate Resolution 480 na inihain ni Marcos, isinusulong nitong maimbestigahan ang paniningil pa rin ng mga pribadong unibersidad ng gastusin para sa classroom-based internet, kuryente, laboratoryo, libraries, medical at mga dental clinic.

Giit ng senator, hindi na dapat malaki ang gastusin sa online classes at modular lesson, kaysa face-to-face education bago ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Dahil dito, hindi na aniya dapat pang pabayaran ang napakaraming mga miscellaneous fee sa mga pasilidad ng eskwelahan, at serbisyo na hindi naman magagamit sa online classes.

Nanawagan ang senator sa Commission on Higher Education (CHED), na aksyunan na ang naturang reklamo bago magbukas ang klase sa August 24.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.