Sen Kiko Pangilinan, Nababahala sa pagtaas ng kaso ng Covid-19, iginiit ang malinaw na plano at health protocols sa frontliners

Kasunod na pagdami ng coronavirus 2019 (COVID-19) case sa Philippine National Police (PNP), muling iginiit ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pagpapalabas ng malinaw na plano at health protocols sa new normal.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na lubha nang nakababahala at lubhang nakapag-aalala ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa pulisya na malaking banta sa kapayapaan at kaayusan.

“Malaking bahagi sila ng pandemic response ng pamahalaan. Pero ano’ng mangyayari sa mga plano kung sunod-sunod silang nagkakasakit habang ginagampanan ang kanilang tungkulin? There has to be a better, clearer, safer way to go about the new normal,” ayon kay Pangilinan.

Napaulat nitong Agotos 28 na nahawa ng sakit ang buong puwersa ng Tuguegarao City Police Force kabilang si police chief Col. Jonalyn Tecbobolan at 13 iba pang police officers na nagpositibo sa virus.

Nakakandadoo ang istasyon ng pulisya sa naturang lugar mula pa nong Agosto 17 matapos mahwa ang 10 opisyal at ilang non-uniformed personnel.

“Mahalaga ang kanilang kalusugan at kaligtasan kung kaya’t kailangan natin ng mas kungkretong paraan kung paano haharapin ang new normal. Dapat better ang new normal,” ayon kay Pangilinan.

“Paano natin mababawasan ang banta ng COVID-19 para sa lahat ng ating mga frontliners, kasama na ang mga kapulisan? If this is our new normal, there has to be a better normal. Paigtingin pa lalo ang contact tracing lalo na sa lokal. The government was given the resources to do exactly that, and we expect them to follow through,” dagdag niya.

Umabot na sa 3,669 ang bilang ng COVID-19 cases sa PNP simula pa nitong Agosto 26 samantalang umabot naman sa 200,000 COVID-19 cases sa buong bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.