Sen. Kiko Pangilinan, nais ng mas malaking budget sa agrikultura

Isinusulong ni Senator Francis Pangilinan ang pagdaragdag ng pondo para sa agrikultura sa 2021.

Ayon kay Pangilinan, hindi siya sumasang-ayon sa isinusulong na National Expenditure Program (NEP) sa susunod na taon kung saan mula sa P284.4 bilyong pondo hanggang P66.382 bilyon.

“This is even lower than its current 2020 budget of P79.9 billion. The P66.382 billion represents not even two percent of the administration’s P4.5-trillion budget submitted to Congress,” lahad nito sa pahayag.

“Taon-taon na lang na ganito ang sistema. Bakit palaging hindi prayoridad ang agrikultura?”

“Dahil sa mga quarantine, nakita ang pangangailangan sa isang maunlad na sektor ng agrikultura upang tugunan ang demand sa pagkain lalo na ngayong milyong-milyon sa ating mga kababayan ang nagugutom at nawalan ng trabaho dahil sa pandemya,” paliwanag pa ni Pangilinan.

“Naging malinaw nitong nakaraang mga quarantine na agrikultura pa rin ang magsasalba sa Pilipinas.”

Sa ulat, humiling ang Department of Agriculture ng mas mataas na budget sa susunod na taon.

Nakatakda namang simulan ang budget deliberations sa Senado ngayong Miyerkoles, September 9.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.