Sen Kiko Pangilinan, Paglalabas ng militar ng maling NPA list dapat may managot

Bagamat welcome para kay Senador Francis Pangilinan ang paghingi ng paumanhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa maling listahan ng mga UP students na diumano’y naging miyembro ng New People’s Army (NPA), iginiit nitong dapat pa ring maparusahan ang nasa likod ng pagkakamaling ito.

Ayon kay Pangilinan, hindi dapat kinukunsinte ang ganitong unprofessionalism at pamumulitika sa ating unipormadong hanay.

Kung wala aniyang mananagot sa insidenteng ito ay posible lang maulit ang naturang pagkakamali.

Iginiit ng senador na dapat pahintuin at parusahan na ng militar ang mga gumagawa ng red-tagging dahil sa mali aniyang pagle-label sa mga tao ay nagiging target ang mga ito ng panggigipit at ang pinakamalala pa, ay ng pagpatay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.