Sen. Kiko Pangilinan sa DepEd: Mas maraming guro, pagtaas ng pondo sa modules, unahin

Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Education (DepEd) na kumalap ng mas maraming guro partikular sa nawalan ng trabaho sa pribadong paaralan at dagdagan ng pondo sa pambili ng modules sa gagawing online learning na magsisimula sa Oktubre 5.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na dapat tiyakin n g DepEd na mapupunan ang posisyon na pinondohan sa 2020 budget at sa papararting na 2021 appropriations upang matugunan ang kakulangan sa pagtuturo sa online learning.

“Ang pinakamabuting paraan para parangalan ang ating mga titser at non-teaching personnel ay magarantyahan na may trabaho sila at ang kanilang kapakanan ay pinagtutuunan ng pansin, ” ayo kay Pangilinan bilang pagsaludo sa Filipino educators sa pagdiriwang ng Teachers’ Month.

Iniulat ng DepEd na umabot sa 748 mula sa 14, 435 private schools sa buong bansa ang hindi magbubukas sa Oktubre 5 sanhi ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19).

Aniya, apektado dito ang mahigit 3, 233 titser at 40, 345 mag-aaral na napilitang lumipat sa public schools o tuluyan nang hindi mag-aral.

“While the Bayanihan to Recover As One Act has allocated P300 million for a one-time cash assistance to displaced teaching and non-teaching personnel in private and public schools, having a regular source of income and being able to continuously practice their sacred calling are more important,” giit ni Pangilinan na nagsasabing dapat silang kunin ng DepEd.

Ayon sa ahensiya, umabot sa 988, 567 ang posisyon dito,. Ngunit tangijg 932,760 ang napunan at 55, 807 ang unfilled.

Bukod dito, humingi ng DepEd ng karagdagang 10,000 puwesto sa ilalim ng panukalang 2021 budget.

“Sufficient human resources in the education system is as crucial these days, especially when we are embarking on blended learning,” ayon kay Pangilinan.

Isinusulong din ng senador na madagdagan ng badyet ang ahensiya para sa pangangailangan ng titer at non-teaching personnel upang epektibong maisagawa ang bagong tungkulin sa online at modular learning.

Natuklasan sa August 2020 DepEd Learner Enrollment Survey na mahigit 50% ng mag-aaral ang gustong gumamit ng printed modules sa pagsasagawa ng distance education sa pagbubukas ng klase.

“This early, we have been hearing from DepEd officials about the lack of funds for printing of modules and the scenario of sharing of the printed copy among students,” ayon kay Pangilinan.

“This has to be addressed as this could pose health risks to both the teachers and students. Knowing, too, how devoted our teachers are to their vow, it is not far-fetched that they would initiate producing the extra copies of the modules out of their own pockets. Our teachers deserve better treatment from the government,” giit ng senador.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.