Sen. Kiko Pangilinan sa mga kabataan: Magparehistro upang makaboto

Hinikayat ni Senator Francis Pangilinan ang mga kabataang Filipino na magparehistro at bumoto sa darating na botohan sa 2022 kasabay ng pagpapaalala ng adboksiya ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

“Ngayon ay 160 na si Ka Pepe, pero bata pa lang siya, ipinaglaban na niya ang kanyang mga paniniwala — isang katangian na dala pa rin hanggang ngayon ng kabataang Pilipino,” saad ni Pangilinan.

“Sa ating kasaysayan, hindi pa tayo binigo ng kabataan. Noon at ngayon, ang kabataan ang mitsa ng pagbabago.”

“Kaya hinihimok natin ang ating mga kabataan na dalhin ang kanilang sigla sa pagsisigurong lahat ay rehistrado at lahat boboto,” dagdag pa nito.

“Ito ang magpapasya sa ating mga kinabukasan.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.