Sen. Kiko Pangilinan umalma sa pagpangalan sa mga korap na kongresista

Umalma si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pagpangalan ni President Rodrigo Duterte sa mga tiwaling kongresista nang walang kongkretong ebidensya.

“Kung walang konkretong ebidensya laban sa mga ito ano nang motibo para isiwalat? Bakit ‘yung mga kakampi na klarong klaro at konkreto ang ebidensya ng palpak o kurakot na pamumuno tulad ng overpriced na testing kits, pagpapalusot ng toneladang shabu sa Customs wala silang imik?” giit ni Pangilinan.

“Anti-corruption ba talaga, o anti-opposition at pro-sunud-sunuran sa mga kakampi ang layunin?” dagdag ng senador at president ng Liberal Party.

Tatlo sa mga pinangalanan ng Pangulo ay miyembro ng Liberal Party na sina Occidental Mindoro Representative Josephine Sato, dating Ifugao Representative Teodoro Baguilat Jr., at Northern Samar Representative Paul Daza.

Mariing itinanggi naman ito ng mga nasabing kongresista.

Anila, dapat pagtuonan na lamang ng pamahalaan ang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation, pang-aabuso ng mga pulis, at ang pandemya.

Wala pa namang komento si Senator Sherwin Gatchalian patungkol sa mga isiniwalat na pangalan ni Duterte.

“Kickbacks from projects [are] nothing new and we have to pursue that, we have to pursue the investigation and make sure that people are prosecuted, especially those who work in government,” punto ni Gatchalian.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.