Sen. Kiko pinatututukan sa DOH ang Psychological stress sa COVID-19

Hiniling ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Health na dapat tutukan ang psychological stress ng mamamayan sa gitna ng pananalasa ng coronavirus 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na dapat tiyakin ng bawat Filipino na malusog na pangangatawan kabilang ang kaisipan habang dinudurog ng sakit, kamatayan, kalungkutan at kahirapan ang ating bansa.

“Hindi dapat isantabi ang takot, pangamba, pangungulila at paghihirap dahil nagdudulot ito ng psychological stress. Ang mental health at kabuuang kagalingan ay priority na dapat pinagtutuunan ng pansin,” ayon kay Pangilinan habang ipinagdiriwang ng bansa ang World Mental Health Day.

Sinabi ni Pangilinan na dapat kumilos nang extra ang bawat pamilya na maging mapagmatyag sila sa kondisyon ng kanilang anak at miyembro ng pamilya saka isama ng DOH at barangay health workers ang pagtugon sa mga pamamaraan upang tugunan ang mental health issues.

Kamakailan, iniulat ng National Center for Mental Health na tumaas anbg biulang monthly hotline calls nila hinggil sa depresyon mula sa dating 80 tawag bago mag-lockdown, ngayon umabot na sa 400.

Sinabi ng ulat na tumataas ang karahasan sa loob ng tahanan kaya nararapat na magkaroon ng intervention at psychological support sa miyembro ng pamilya na may problema sa pag-iisip.

“Addressing the situation will not only reduce the suffering among thousands of Filipinos, but mitigate as well long-term social and economic costs to society,” ayon sa senador.

Aniya, dapat din magbigay ng hotline ang barangay na tatauhan ng sanay na health worker na maaaring makapagbigay ng mental health services sa pamamagitan ng online o tele-counselling. Dapat handa din sila sa pagtugon sa mas seryosong kaso tulad ng domestic violence at matinding depresyon.

Sa bawat miyembro ng pamilya, dapat palagi ang pakikipag-usap at kailangan lumahok ang miyembro ng pamilya sa hone skills, pagpapabuti ng kalusugan at paunlarin ang creativity ng bawat miyembro.

Kahit sa ilalim ng quarantine, dapat nananatiling may komunikasyon sa pamamagitan pag-check sa miyembro ng pamilya, kaibigan colleagues at kapitbahay partikular doon sa mga nangangailangan ng extra tulong sa pamamagitan ng telepono o social media.

“Nakakatulong ang may nakakausap sa mga panahong sobra na. Kahit may physical distancing, kailangan konektado pa rin tayo sa isa’t isa at nagdadamayan,” ayon sa senador.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.