Sen. Lacson at SP Sotto, tuloy na ang pagtakbo bilang presidente at bise presidente sa 2022 Elections

Kinumprima ni Senate President Vicente Sotto III na desidido na sila ni Senador Panfilo Lacson na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 Elections. 

Si Lacson bilang kandidato sa pagka-pangulo habang kandidato bilang ikalawang pangulo naman si Sotto. 

Ayon kay Sotto, napagdesisyunan nilang ituloy na ang pagtakbo matapos ang kanilang consultative meeting sa iba’t ibang mga lokal na pamahalaan at mga sektor ng lipunan. 

Samantala, nilinaw naman ng Senate president na ang posibleng tambalan nila ni Lacson ang magiging alternative choice ng taumbayan — neutral lang aniya ang kanilang tambalan at hindi sila matatawag na oposisyon o pro-administration. 

Sa July 28, nakatakdang magsagawa ng national meeting ang partido ni Sotto na Nationalist People’s Coalition (NPC) para malaman ang concensus ng partido at kung sang-ayon ang lahat sa kanilang desisyon. 

Dito rin aniya malalaman kung sinu-sino pang partido ang susuporta sa kanilang tambalan ni Lacson. 

Sa August 4 inaasahan ang magiging pormal na anunsyo ng kanilang partido. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.