Sen. Lacson kay PRRD: Dapat walang kaibigan, kamag-anak vs. korapsyon

Nagbigay ng unsolicited advice si Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Duterte hinggil sa pagsugpo ng katiwalian at korapsyon sa pamahalaan sa halip na magbitiw sa tungkulin.

Sa kanyang unsolicited advice, sinabi ni Lacson na kailangan lamang na mahigpit nan ipatupad ang lahat ng batas laban sa corruption kahit kanino, kahit kaibigan o kamag-anak.

“Instead of resigning, the President only needs to be consistent in applying the anti-graft and corruption laws to both friends and foes,” ayon kay Lacson.

Punto pa ng senador, maganda ng malalakas at matitinding salita ng Pangulong laban sa korapsyon ngunit kailangan may malinaw na aksyon laban sa sinoman.

“Strong words and warnings may work, but only when backed by political will and followed by concrete actions. There is no better way,” giit ni Lacson.

Iginiit pa ni Lacson na hindi na kailangan pang lumantad o magpunta ni Pangulong Duterte sa Kongreso o sa Senado mismo sa pagtalakay ng anti-red tape measures.

“As for his offer to appear before a congressional hearing, that may not be necessary. In fact, the Senate is already proposing in a bill to give him Bayanihan-like powers to address red tape in government.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.