Sen. Lacson, kinokonsidera ang pag-criminalize sa red-tagging

Seryosong kinokonsidera ni Senate Committee on National Defense Chairperson Senator Panfilo Lacson, ang panukalang i-criminalize o gawing labag sa batas ang red-tagging.

Matapos ang tatlong pagdinig na ginawa ng komite ni Lacson tungkol sa nasabing isyu, sinabi ng senador na pinag-iisipan na niya ang pagbuo ng panukalang batas sa pag-criminalize ng red-tagging, na hindi naman makakaapekto sa freedom of speech at expression na itinatakda ng ating konstitusyon.

Samantala, sinagot naman ng senator ang pahayag ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate, na nagiging venue na umano ng witch hunting ang ginawang pagdinig ng Senate National Defense Committee.

Aniya, hindi dapat nagtuturo ng scapegoat o masisisi ang Makabayan bloc congressmen, para sa kabiguan nilang sagutin ang mga alegasyon ng mga dating rebeldeng New People’s Army (NPA).

Giniit ni Lacson, na ikakalap ng kanyang komite ang mga testimonya at dokumentong iprinesinta ng magkabilang panig, para makabuo ng conclusion at rekomendasyon sa kanilang committee report.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.