Sen Lacson, Patuloy na bentahan ng droga sa NBP mas nakababahala kaysa sa pagkamatay ng high profile inmates sa COVID

Mas nababahala si Senador Panfilo Lacson sa patuloy na operasyon ng bentahan ng droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) kaysa pagkamatay ng ilang high profile drug personalities tulad ni Jaybee Sebastian sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na may ilang detalye ng isang convicted ng isang krimen na makukuha sa korte maliban na lamang sa ilang isolated cases dahil sa konsiderasyong pang-seguridad.

Sinabi ni Lacson na kung namatay ang isang inmate sa COVID-19, baka magkaroon ng diskriminasyon sa miyembro ng kanilang pamilya bukod pa sa stigma na dadanasin nila sa publiko.

“The Data Privacy Act may actually be applicable in the case of Jaybee Sebastian and other high value PDLs who reportedly succumbed to COVID-19 – although in an inquiry in aid of legislation, we as legislators can ask relevant questions, especially in an executive session,” ayon kay Lacson.

Maliban na lamang, ayon kay Lacson kung may pinaghihinalaang foul play – pero hanggang sa ngayon, wala pang matibay na ebidensiya, alinsunod sa personal nyang pananaw.

“I’d rather focus on more pressing matters than be distracted by the death/s of drug convict/s who had shown no remorse at all by continuing their drug operations even in the confines of the high-security facility of the New Bilibid Prison, right under the noses of prison officials, corrupting those who have no moral fortitude to resist even drug money.,” ayon kay Lacson.

Kamakailan, ibinalita na namatay na umano si Sebastian kabilang ang ilang pang high profile drug inmates sanhi ng COVID-19. Kaagad umano ipinasunog ng NBP ang labi ng mga inmates partikular si Sebastian sa isang crematory sa Cavite.

Dahil dito, ipinatawag ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Bureau of Corrections (BuCor) Chief, Undersecretary Gerald Batnag upang magpaliwanag hinggil sa isyu.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.