Sen. Lacson, pinag- araalang mabuti kung tatakbo sa pagka pangulo sa 2022 elections

Pinag-iisipan pa ngayon ni Senator Panfilo Lacson kung tatanggapin niya ang mga alok, na tumakbo sa pagka pangulo para sa eleksyon 2022.

Ayon kay Lacson, may usapan na sila ni Senate President Vicente Sotto III, na kung sakaling magdesisyon siyang tumakbo sa pagka presidente ay sila ang magiging magka-tandem, at si Sotto ang kanyang magiging bise.

Gayunpaman, sa ngayon ay hindi pa aniya sigurado ang senator at kumukonsulta pa sila sa iba’t ibang mga eksperto, para matimbang ang kanyang kakayahan na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Sinabi ng mambabatas, nais niyang matiyak na kakayanin niya ang responsibilidad na iaatang sa kanyang mga balikat, at solusyunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa sakaling makuha niya ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Maliban sa pagtakbo sa pagkapangulo, wala na aniyang tinitingnan option si Lacson sa kanyang political career kung hindi ang magretiro.

Giit ni Lacson, wala na sa kanyang pinagpipilian ang bumalik ng Senado pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.