Sen. Lacson: Pondo ng PCOO, di dapat ipitin para lang pagbitiwin sa pwesto si Usec. Badoy

Hindi dapat ma-hostage ang pondo ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), para lang pagbitiwin sa pwesto ang isang opisyal nito.

Ito ang naging reaksyon ni Senator Panfilo Lacson sa pagkakasuspinde ng deliberasyon sa panukalang pondo ng PCOO para sa susunod na taon, dahil nais ng ilang kongresista na magbitiw na sa pwesto si PCOO Undersecretary Lorraine  Badoy.

Giit ni Lacson, hindi dapat masakripisyo ang buong budget ng ahensya para lang sa pananatili o pagre-resign ng isang opisyal.

Pinunto pa ng senador, na ang pagbibitiw sa pwesto ay personal na desisyon ng isang indibidwal.

Nasa Kamara na rin aniya ang pagdedesisyon kung susuportahan nila ang ginawang hakbang ng Makabayan bloc.

Pero kung hindi naman aniya ito makakakuha ng suporta, ay wala rin namang patutunguhan ang hakbang na ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.