Sen Lacson saludo kay Pangulong Duterte sa pagpasa ng anti-terrorism bill

Pinuri ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpirma ng kanyang panukalang batas na Anti-Terrorism Bill para maging ganap na batas.

Ayon kay Lacson, nanaig ang malakas na political will ng Pangulo sa kabila ng mga pressure na natatanggap dahil sa kontrobersyal na bill.

“Much credit goes to PRRD. With all the pressure coming from different directions against the signing of the Anti Terrorism Bill into law, at the end of the day, it is his strong political will that mattered most,” Pahayag ni Lacson.

“I cannot imagine this measure being signed under another administration. If only for this, I take my hat off to the President,” aniya pa.

Marami ang tumuligsa sa anti-terrorism bill mula sa iba’t ibang grupo dahil sa pangamba na magamit ito ng gobyerno para umano patahimikin ang mga kalaban nito.

Ngunit sinisiguro ni Lacson na hindi maaabuso ang nasabing batas dahil sa mga ‘safeguard’ na kanilang isinama sa mga probisyon nito.

“Rest assured that I will exert extra effort in guarding against possible abuse in its implementation, notwithstanding all the safeguards incorporated in this landmark legislation,” diin ng mambabatas.

Nitong BIyernes ay kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakapasa ng nasabing bill, na isa sa probisyon ay ang pagdetine sa isang suspected terrorist ng 14 hanggang 24 na araw.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.