Sen. Lacson: Tama ang landas na tinatahak ni VP Leni Robredo bilang ICAD Co-Chairperson

Sa pananaw ni Senador Panfilo Lacson, tama ang tinatahak na direksyon ni Vice President Leni Robredo sa kanyang pagganap ng tungkulin bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Lacson, wasto lang na sinimulan nito ang kanyang trabaho sa pagkonsulta at pakikipagpulong sa mga taong may kaaalaman sa war on drugs.

Kabilang na dito ang mga miyembro ng ICAD, United States Drug Enforcement Agency (USDEA) at iba pa.

Gayunpaman, nangangamba rin si Lacson ngayong sinabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi niya pinagkakatiwalaan si Robredo.

Tinawag ng senador na ‘formula for failure’ ang pagbibigay ng malaking responsibilidad, ngunit wala namang otoridad na gawin ang kanyang trabaho.

Aniya, napakaraming limitasyon kapag walang sapat na otoridad sa trabaho kaya mas mainam kung aalis na lang si Robredo sa ICAD o ibibigay sa kanya ang buong otoridad ng kanyang posisyon.

Gayunpaman, nirerespeto ni Lacson ang desisyon ng bise presidente na manatili sa pwesto hangga’t hindi siya harap-harapang pinaaalis ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.