Sen. Lacson umaasang mapatutunayan ni Sinas na mali ang mga kritiko

Umaasa si Senator Panfilo Lacson na mapatutunayan ni Police Major General Debold Sinas na mali ang mga kritiko matapos ang maitalagang PNP chief sa gitna ng kontrobersya.

“20 years ago, on November 16, 1999, critics hit my appointment as CPNP. It was a tough challenge I swore to hurdle if only to prove my critics wrong,” tweet ni Lacson.

“I hope CPNP Debold Sinas thinks exactly the same,” dagdag nito.

Matatandaang bago pumasok sa Senado si Lacson ay dati siyang PNP chief taong 1999 hanggang 2001.

Nakilala siya sa kampanya niya kontra kotong sa kapulisan.

Bago maging PNP chief naharap din siya sa kontrobersya.

Naakusahang sangkot siya sa Kuratong Baleleng rubout case kung saan siya ay isa ay police chief superintendent at head ng Task Force Habagat.

Nalinis ang pangalan ni Lacson noong 2012.

Naakusahan din siyang mastermind sa pagpatay kay publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000 na ibinasura naman ng Court of Appeals at Supreme Court.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.