Sen. Lapid, isinusulong ang mas mahigpit na requirement para sa pagpasok ng mga dayuhang cotractor sa bansa

Isinusulong ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid ang pagpapatupad ng mas mahigpit na requirement sa mga dayuhang contractor bago sila payagang magkaroon ng lisensya para makapag operate dito sa Pilipinas.

Sa Senate Bill 1889 na inihain ng senador, layong palakasin ang kapangyarihan ng Philippine Contractors Accreditation Board sa pamamagitan ng pag amyenda sa Republic Act 4566 o ang Contractors’ License Law.

Sa panukala ni Lapid, nakasaad na hindi pwedeng bigyan ng lisensya bilang contaractor ang isang dayuhan.

Maaari lamang siyang bigyan ng “special license” para makasali sa isang proyekto at dapat ay makaksunod rin ito sa mga kondisyon…

Kabilang sa mga kondisyong ito ay ang pagkuha ng Pilipinong agent na siyang magiging kinatawan ng dayuhan sa mga legal na proseso sa bansa, paglipat ng kaalamang teknikal, skills training at capability training sa mga local contractor, paglimita ng kanilang operasyon sa mga foreign-financed o internationally-funded projects, dapat ay mga Pilipino lang ang kanilang kunin na tauhan maliban na lamang  sa mga highly-technical positions na aprubado ng DOLE, at ang paggamit lang ng mga locally-sourced construction materials maliban sa mga ilang material na aprubado ng DTI na hindi available sa Pilipinas.

Ipinunto ng senador ang datos ng Construction Industry Authority of the Philippines nitong 2018 na nagsasabing halos 3.8 million na mangagawa ang na-eempleyo ng construction industry, katumbas ito ng 9.4 percent ng employment sa bansa.

Nakakaambag rin aniya ng 33.9 percent sa gross capital formation (GCF) ng pilipinas ang construction sector kaya mahalagang protektahan ang local construction industry sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.