Sen. Lapid isinusulong ang pagkakaroon ng internet connection sa lahat ng lugar sa bansa

Isinusulong ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid na magkaroon ng broadband internet connection sa lahat ng lungsod, munisipalidad at barangay sa bansa na wala pa nito sa ngayon.

Sa Senate Bill 1598 o ang panukalang Last Mile Broadband Internet Connection Act na inihain ni Lapid, minamandato ang mga telecommunications companies na magtayo ng isang pasilidad para sa broadband internet connection sa lahat ng lugar na mayroong mobile subscriber.

Aatasan rin ang National Telecommunications Commission (NTC) na magsagawa ng pag-aaral upang matukoy kung anu-ano pang mga lugar sa bansa ang pinakanangangailangan ng internet connection.

Imamandato rin ang NTC na i-report at i-monitor ang pagsunod ng mga telcos sa programang ito.

Pinunto ng senador ang kahalagahan ng internet sa ating modernong panahon lalo na upang magkaroon ng access sa telemedicine, online education, digital commerce, at trading at financial technology.

Ayon kay Lapid, oras na maisabatas ang panukalang ito, inaasahan niyang wala nang komunidad ang maiiwan pagdating sa internet connectivity.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.