Sen. Lapid, Lilikha ng National Emergency Stockpile ng pagkain, gamit, gamot para sa kalamidad

Naghain ng isang panukalang batas si Senador Manuel “Lito” Lapid sa paglikha ng National Emergency Stockpile o pag-iimbak ng pagkain, kagamitan at gamot na kakailanganin tuwing may kalamidad o pambansang kagipitan tulad ng pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID19).

Sa pahayag, sinabi ni Lapid na pinagtatayo ng panukala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng National Emergency Stockpile na maging central repository at supply reserve ng food items, gamot, bakuna, tents, kama, kumot at ibang bagay na ginagamit tuwing emergency, pasilidad at kagamitan.

“The current COVID-19 pandemic presents a cautionary tale on the need for the country to institutionalize a system for the stockpiling of essential goods and materials. At the start of the pandemic, the country suffered from the looming shortage of medical supplies such as face masks and personal protective equipment (PPE),” ayon sa panukala.

Aniya, lubhang naapektuhan ng problemang ito ang gawain at kaligtasan ng ating medical frontliners.

Pinakamatindi pa dito, limang buwan ang nakalipas, kakapusan ng personal protection equipments ay patuloy na nilulumpo ang ating healthcare workers, pinatitingkad ang kanilang panganib na mahawa ng sakit.

“Responsibilidad ng ating gobyerno na pangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayan lalo sa gitna ng kalamidad at mga emergency, at magagawa lamang iyan kung may sapat tayong supply ng gamot, pagkain at basic commodities. Layunin ng aking isinusulong na panukala na maiwasan na umasa ang ating bansa tuwing may kalamidad, sa supply na magmumula sa ibang bansa na pihadong mahal ang presyo at malamang pa ay hindi rin sapat para tugunan ang ating pangangailangan,” ayon kay Lapid.

Ang ibig sabihin ng stockpiling ay ang pag-iimbak ang kinakailangang materyales upang matiyak ang sapat na suplay sa hinaharap. Layunin ng stockpiling sa national scale ay bawasan ang kahinaan ng bansa sa hindi nakikitang produksiyon at supply-chain disruption partikular sa panahon ng pangkagipitan at kalamidad.

Sakaling maitayo ang National Emergency Stockpile, dapat isama dito ang kritikal na medical supplies tulad ng reserbang bakuna, antidotes at kinakailangang raw materials.

Limitado ang paggamit ng stockpile tulad ng pagdedeklara ng pambansa at lokal na state of calamity o emergency at may paunang aprubal ng NCRRMC.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.