Sen Migz Zubiri, Ibinunyag ang natuklasang P10M PhilHealth scheme

Ibinunyag ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri na nakatanggap ng P10 milyon ang 10-bed hospital sa Davao region mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kahit walang naitalang coronavirus disease 2019 o COVID-19 case.

“Maraming schemes ‘yan (PhilHealth). Meron noon existing beneficiaries. May ospital sa Davao na 10 bed lang siya pero nakakatanggap ng P10M sa PhilHealth. Wala naman silang COVID,” saad ng senador.

“Opo, recently lang. Ilalabas po natin ‘yan sa hearing. Napakaraming schemes,” dagdag pa nito.

Tinutukoy rito ni Zubiri ang Golingay General Hospital sa Malalag, Davao del Sur.

Base sa inilabas na PhilHealth document ni Zubiri, kinokolekta ng ospital ang pneumonia claims na nagkakahalagang P18 milyon noong 2014 at halos P10 milyon sa unang semestre ng 2015.

“Tuloy dapat ang Senate investigation. Kung ‘di tayo nag-imbestiga, ‘di mahahalungkat ito, ‘di malalaman ng taumbayan,” giit pa ng senador.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.