Sen. Nancy Binay, nanawagan na alisin na ang health care workers deployment ban

Hiniling ni Senador Nancy Binay sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF) na alisin ang deployment ban sa healthcare workers.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na walang karapatang ang pamahalaan na pigilan ang healthcare works na magtrabaho sa abroad upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

“For health care workers, the struggle to survive is real in the midst of risks and trying to feed a family. Sana maunawaan din ng POEA at ng IATF ang kalagayan ng ating mga nurse na ‘di lang naman sila full-time sa ospital. Sa totoo lang, mas mabigat ang pressure kung paano maitatawid ang kanilang mga pamilya sa gitna ng pandemya. Yung travel ban hostages their chance to have a decent work-life balance and give their families a better future,” giit ng senador.

Sinabi ni Binay na kung ipagpapatuloy ang POEA ang deployment ban, dapat tiyakin ng pamahalaan na makakatanggap ang competitive compensation ang mga health care worker sa bansa.

“Hindi naman gugustuhin ng ating mga healthcare workers na magtrabaho sa ibang bansa kung sapat ang kanilang kinikita dito sa atin. May pandemya po at sino ba naman ang gustong mawalay sa kanilang mahal sa buhay sa panahon ngayon?” ayon kay Binay.

“They have long been neglected. Kung itutuloy nila ang deployment ban, at the very least the government should provide our healthcare workers with compensation sufficient enough to provide for their families,” giit ng mambabatas.

Ibinasura din ng senador ang pangamba na mauubusan ng healthcare workers ang Piliipinas kapag pinayagan silang umalis at magtrabaho sa abroad.

Tinukoy ni Binay ang 2017 datos ng Department of Health na mayroon tayong 750,000 licensed medical professionals sa bansa kabilang ang dentist, medical technologists, pharmacists, physicians, at midwives.

Mula sa bilang na ito, umabot sa 204,437 ang aktibo sa health sector, na ibig sabihin mahigit 500,000 licensed medical professionals ang hindi nagtatrabaho ng kanilang propesyon.

“Kung hindi kaya ng pamahalaan na mabigyan ng trabaho at sapat na benepisyo ang ating mga healthcare workers, hindi naman ata tama na pagkaitan natin sila ng pagkakataon para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya,” ayon kay Binay.

Kamakailan, inilabas ng POEA ang Resolution No. 09 na pansamantalang sinususpinde ang pagpapa-alis ng lahat ng uri ng healthcare workers habang nawalan na ang national state of emergency.

Inilabas din ang IATF-EID ang Resolution No. 64 na pansamantalang sinususpinde ang pagpapaalis ng medical professionals.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.