Sen. Pacquiao isusulong ang Philippine Boxing and Combat Sports Commission

Isinusulong ni Filipino boxing champ at Senator Manny Pacquiao ang pagbuo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission.

“Being a boxer for almost three decades, hinihiling ko rin ang pang-unawa ninyo sa aming mga boksingero. Kung ano ‘yung pakiramdam namin,” aniya.

Sa ilalim nito masisiguro ang kapakanan ng mga boksingero at combatant at bibigyan ng atensyon upang maging “boxing and combat sports capital of Asia” ang bansa.

“We don’t discredit your efforts, hard work and sacrifices for this administration… Hindi lang naman kasi boxing ang focus ng GAB kundi marami pang sports. Marami pa kayong inaatupag pero sana maintindihan niyo rin,” saad ni Pacquiao.

Ayon naman kay Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham Mitra na walang naitalang namatay sa mga boksingero at combatant sa bansa nitong mga nakaaran taon dahil mahigpit na ipinapatupad ang protocols at pagbibigay ng sapat na pahinga sa mga ito.

“Of course, we do not question the wisdom, the knowledge, and the experience of Senator Manny who is a boxing icon and world champion,” lahad ni Mitra.

“We are just here, we are not policymakers… kami po ay sumusunod lang sa mga utos ninyo. Sunod lang po kami, nandito lang po kami on the side,” dagdag nito.

Sa ilalim ng Senate Bill No.193, lahat ng mga boksingero at combatant ay magkakaroon ng Social Security System, PhilHealth, at PAG-IBIG.

Matatandaang naaprubahan na ito nitong 2018 ngunit hindi naisabatas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.