Sen. Pacquiao, nag-alok ng P500k vs. suspect sa Dacera case

Nag-alok ng kalahating milyong pabuya si Senador Manny Pacquiao sa sinumang makabibigay ng impormasyon na makahuhuli sa ilan pang suspek na nagtatago sa panggagahasa at pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera.

Sa pahayag, sinabi ni Pacquiao na hindi lamang katarungan ang kanyang hinihingi para sa pamilya Dacera.

“Nais din natin na magkaroon ng kaliwanagan ang nakaparaming katanungan tungkol sa kasong ito.”

“Handa tayong magbigay ng P500,000 na pabuya sa sinumang makakapagturo sa suspek at makakapagbigay-linaw sa kasong ito,” ayon kay Pacquiao.

“Gagawin ko lahat ng aking makakaya para maparusahan ang mga pumatay sa kaniya,” dagdag niya.

Ayon kay Pacquiao, personal niyang kakilala ang pamilya Dacera dahil kapwa sila tubong General Santos City, kanyang lugar.

“Kilala ko ‘yang Dacera family. ‘Yung mga kamag-anak nila kalaro ko palagi sa basketball,” aniya.

Ako at ang aking pamilya ay taus-pusong nakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng ating kababayang si Christine Dacera.,”dagdag ng senador.

Ayon kay Pacquiao, ang ganitong uri ng karumal-dumal na krimen ang dahil kung bakit nito isinusulong ang pagbabalik ng death penalty.

“Walang puwang sa ating lipunan ang ganitong uri ng karahasan,”giit pa ni Pacquiao.

Aniya, lubhang nakakagulat ang pagkamatay ni Dacera, isang 23 anyos na dedicate woman sa kanyang buhay.

Natagpuan si Dacera na walang buhay sa ibang bathtub sa isang kuwarto sa hotel pasado ng tanghali nitong Bagong Taon.

Nadakip na ang tatlong suspek at kinasuhan ng rape with homicide na nakilalang sina Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang Ed Madrid, at isang Paul.

“Ganunpaman, tayo ay nakikiusap sa publiko na sana ay pagbigyan ang ating mga awtoridad na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon upang sa lalong madaling panahon ay mapasuko o kaya ay madakip ang iba pang mga suspek,”ayon kay Pacquiao.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.