Sen. Pacquiao, nangangalap pa ng mga matibay na ebidensyang magpapatunay ng alegasyon niyang korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno

Nangongolekta pa si Senador Manny Pacquiao ng mga dokumentong maaaring gawing ebidensya sa alegasyon niya ng korapsyon sa Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Sa isang panayam, sinabi ni Pacman na mayroon na siyang ebidensyang hawak sa ngayon pero iniipon pa niya ito bago isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ng senador, nais niyang siguruhin na pulido ang mga ebidensyang maipapakita niya para mapatunayan ang mga tiwaling transaksyon sa loob ng ahensya.

Sa kabila nito, pinahayag ng mambabatas na bukas siya sa pakikipag-usap kay Health Secretary Francisco Duque III tungkol sa diumano’y korapsyon sa kanyang ahensya.

Itinanggi rin ng mambabatas na inaatake niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabing may korapsyon sa administrasyon nito.

Katunayan, ayon kay Pacquiao, ay tinutulungan niya si Pangulong Duterte na masawata ang korapsyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.