Sen. Pacquio, Itinalagang bagong Presidente ng PDP-Laban, hinikayat ang mga miyembro na iwasan ang korapsyon

Bilang bagong presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), hinikayat ni Senator Manny Pacquiao ang lahat ng kanilang mga miyembro na umiwas sa ano mang uri ng korapsyon.

Sa kanyang talumpati, matapos manumpa sa bilang bagong pinuno ng nasabing partido, tinukoy ni Pacquiao bilang cancer na sumisira sa gobyerno ang korapsyon.

Samantala, naniniwala naman ang pinalitan ni Pacquiao, bilang presidente ng PDP-Laban na si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel, na ang pagkakatalaga ni Pacman ay makapagbibigay ng enerhiya at disiplina sa kanilang partido.

Sinabi pa ni Pimentel, na sisimulan na rin ni Pacquiao na ituro sa mga miyembro ng kanilang partido at publiko ang kanyang adbokasiya, tungkol sa kapayapaan at ekonomiya.

Kagabi naganap ang palitan ng lider ng PDP-Laban…maliban sa pagkakatalaga kay Pacquiao bilang presidente, nanumpa rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive president, habang si Pimentel naman ay magsisilbi na ngayong executive vice chairman ng partido.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.