Sen. Pangilinan duda sa bagong Philhealth chief, “health expert ang kailangan”

Isang public health at financial expertise at hindi isang law enforcer ang kailangan para maresolba ang korapsyon na bumabalot sa Philippine Health Insurance Corp. at sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan kasunod ng pakatalaga kay dating National Bureau of Investigation (NBI) director Dante Gierran bilang bagong PhilHealth president at chief executive officer.

“I have serious misgivings about the appointment given that we clearly need a more holistic rather than a simplistic law enforcement approach to the cancer confronting PhilHealth in particular and the COVID health crisis in general,” sabi ni Pangilinan.

Una rito, inamin ni Gierran sa panayam sa telebisyon na walang siyang kaalaman o karanasan sa public health.

“There is also a question regarding his qualifications considering his lack of experience in the field of public health that Malacañang chose to ignore. His predecessor too had no public health experience and that ended terribly for PhilHealth,” sabi ni Pangilian.

“Hindi lang malaki ang problema ng PhilHealth at COVID, kailangan pa ng agarang solusyon. Mas makakabuti kung sa isang maalam na sa public health at finance binigay ang posisyon,” dagdag pa nito.

Batay sa Section 14 ng Republic Act 11223, ang batas sa pagtatag universal health care at reporma sa health-care system, ang president at CEO ng PhilHealth ay dapat may pitong taong nakaransan sa larangan ng public health, management at finance health economics.

Kasabay nito, nanawagan din si Pangilinan para sa sa transparent audit sa record ng PhilHealth para ipakita sa public kung saan napunta ang P15 bilyong pondo ng ahensiya.

“Bilang institusyon na binubuhay ng mga kontribusyon at subsidiya ng gobyerno, ang mga mamamayan ay may karapatang malaman at makasiguro na kaya nilang lumapit sa ahensya kung sila man ay magkasakit,” sabi ni Pangilinan.

“Sabi nga nila, health is wealth. Dapat magarantiya ito,” dagdag pa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.