Sen. Pangilinan nanawagan na tangkilikin ang gawang Pinoy-made PPEs

Hinimok ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pamahalaan na tangkilikin ang Filipino-made personal protective equipment (PPE) na napatunayang epektibo at ligtas.

Binira ni Pangilinan ang mga nasa Department of Budget and Management-Procurement Service na baka nakawin lang ang bilyon-bilyong pondo na inilaan sa mga PPE.

Aniya, kasunod ito ng pagpabor ng pamahalaan sa mga imported na PPE kahit pa hindi ito dumaan sa pagsusuri batay sa Confederation of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP).

“Bumili ng Filipino-made PPEs at siguruhin ang kaligtasan ng mga health workers na gumagamit ng imported at substandard PPEs. Bumili ng Filipino-made PPEs at suportahan ang mahigit sa 7,000 manggagawa ng CPMP at ang karagdagang 4,000 magkakatrabaho pa dahil dito,” ani Pangilinan.

Binanggit ng sinador na may inihain na silang Senate Bill 1759 na hinihikayat ang pamahalaan na tangkilikin ang mga PPE na gawa sa bansa at maging ang iba pang medical equipment sa pamamagitan ng tax exemptions.

Pero nilinaw ni Pangilinan na hindi ito magiging sapat kung ipaprayoridad ng pamahalaan ang importation ng PPEs.

“Hindi natin maiwasang itanong ulit: Sino ang kumikita sa imported at overpriced na PPEs?” ani Pangilinan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.