Sen Pangilinan sa pagpapalit ng pangalan ng NAIA: “Should be the least of our concerns”

Iginiit ni Liberal Party President at Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Biyernes na hindi dapat maging prayoridad ng pamahalaan sa gitna ng global health crisis ang panukala ng ilang mga mambabatas na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport.

“That should be the least of our concerns now that we are facing the COVID-19 pandemic and millions have lost their jobs and are starving,” ani Pangilinan sa isang mensahe.

Kamakailan, inhain nila Presidential son Deputy Speaker Paolo Duterte at dalawa pang mambabatas na palitan ang pangalan ng NAIA sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

“We want it to reflect the legacy of the Filipino people, our everyday heroes. The name bears no color, no political agenda. It only signifies our warmth as Filipinos in welcoming our own kababayans and foreign visitors,” ayon kay Congressman Duterte.

Naunang nakilala ang NAIA bilang Manila International Airport ngunit pinalitan ang pangalan nito sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino upang kilalanin ang pumanaw na asawa at dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na binaril at nasawi sa nasabing paliparan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.