Sen Pia Cayetano naghain ng panukala na lagyan ng CCTV ang lahat ng gov’t offices para iwas kurapsyon

Nag-file si Senador Pia Cayetano ng ‘Surveillance Camera for Government Establishments Act’, na ipinag-uutos sa pag-install ng mga closed circuit television (CCTV) system sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno sa bansa. Ang nasabing panukalang batas ay naglalayong pigilan ang mga tiwaling gawain ng mga pampublikong tagapaglingkod sa mga transaksyon ng gobyerno.

“Public office is a public trust, and therefore should be transparent and accountable to the people at all times.”

Ito ang binigyang-diin kahapon ni Senadora Pia Cayetano na naghain ng panukalang layong magkabit ng close circuit television (CCTV) system sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 503 o Surveillance Camera for Government Establishments Act, makukuhanan ng video ang pang-araw-araw na transaksiyon sa mga opisyal na tanggapan ng gobyerno lalo na iyong mga nasa ‘frontline services’.

Ayon kay Cayetano, makakatulong ang CCTV para matigil ang katiwalian sa mga tanggapan ng gobyerno, tulad ng pagtanggap ng mga public official ng kickback o suhol para mapabilis ang transaksiyon sa pamahalaan.

“Ridding our institutions of corruption means better quality social services, which would help the country achieve all SDGs (Sustainable Development Goals) by 2030,” ani senadora.

Nakasaad din sa panukala na magkabit ng surveillance camera na may audio recording technology sa loob ng mga tanggapan, lalo na sa mga immigration counter, land transportation office, customs, internal revenues office at permit office.

Dapat laging naka-switch on ang mga surveillance camera at naka-record ito nang 24/7.

Tiniyak namang labas sa saklaw nitong batas ang mga banyo, shower room, changing room at kaparehong mga silid.

Sabi ni Cayetano, alinsunod diumano ang kanyang panukala sa hamon at panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na tulungan siyang masugpo ang korapsyon sa pamahalaan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.