Sen. Poe, binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapasa ng FIST bill

Welcome para kay Senate Committee on Banks Chairperson Senator Grace Poe ang pagsesertipika ni Pangulong Rodrigo Duterte, bilang urgent sa Senate Bill 1849 o ang Financial Institution Strategic Transfer (FIST) bill.

Giit ni Poe, mahalagang maipasa ang naturang panukala upang matulungan ang mga bangko na makatugon mula sa posibleng pangmatagalang epekto ng COVID-19 pandemic.

Aniya, kritikal ang papel ng mga bangko dahil sila ang nagsisilbing lifeline ng mga negosyo at kanilang mga manggagawa sa gitna nitong pandemya.

Sa pamamagitan aniya ng pagbibigay ng suporta sa atingg local banking system, ay mapoprotektahan ito mula sa paglaki ng ano mang bad loans na maaari ring makaapekto sa mga mahihirap.

Sa ilalim ng panukala, tutulungan ang mga bangko at financial institution na ibenta ang kanilang non performing assets (NPAs) sa asset management companies, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tax incentives.

Base sa datos, posibleng umabot sa P635 billion ang mga non performing asset sa bansa hanggang sa katapusan ng 2020, at ayon aniya sa National Economic Development Authority (NEDA) ay maaaring umabot ng hanggang P1.19 trillion na halaga ng utang ang matutugunan sa pamamagitan ng pagbebenta ng NPAs.

Tinatayang matutulungan ng panukalang ito ang nasa 600,000 na micro, small and medium enterprises (MSMEs) at makakapagsagip ng halos 3.5 million na trabaho.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.