Sen. Poe sa DILG: paigtingin ang contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19

Hinimok ni Senator Grace Poe ang Department of Interior and Local Government (DILG) na paigtingin pa ang contact tracing nito para kontrolin ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Poe, ipinaalala nito sa ahenya na may inilaang P5 bilyon mula sa Bayanihan to Recover as One Act kung saan naniniwala ito na ang mga local government unit (LGU) ay mas pamilyar sa kanilang mga nasasakupan at alam kung paano hanapin ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa nasabing sakit.

Maaari aniyang humingi ng tulong ang DILG sa mga barangay health worker, Conditional Cash Transfer (CCT) beneficiaries, o mga indibidwal na contact tracers sa komunidad.

“Lahat ‘yan ang magdedesisyon ay ang DILG, kasama ang mga local government,” saad ni Poe sa isang panayam.

“Unang-una, nakapagbigay ka na ng trabaho. Pangalawa, natutunton pa kung sinu-sino ang mga nagkaroon ng COVID para ma-isolate sila at hindi na makahawa,” dagdag pa nito.

Inaasahan naman ng senador ang DILG na magiging responsible sa contact tracing kung saan inaasahan din niya na magpapadala ang ahensya ng ulat saKongreso sa kung paano nila ginastos ang ibinigay na pondo.

“Alam naman natin ang naging isyu ng DoH. Ang daming mga naging problema, meron silang P200 bilyon na hindi man lang nila nagagamit o naipapamahagi tapos ang pera na ginamit pa nila hindi naman napunta sa tamang sitwasyon. So nag-isip kami sinong gagawa ng contact tracing,” paliwanag pa ni Poe.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.