Sen. Poe: Tugunan muna ang problema ng unemployment sa bansa, para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya

Nanawagan si Senator Grace Poe sa pamahalaan na tugunan muna ang problema ng unemployment sa bansa, kung nais nitong makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ito ay matapos maitala ang 9.5 percent contraction sa gross domestic product (GDP) o pagbagsak ng ekonomiya ng ating bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Poe, na imbes na sabihan ang publiko na lumabas at gumastos para mapasigla ang ekonomiya, dapat ay magkaroon muna ng pera ang mga tao.

Hindi rin aniya solusyon ang pagpapahintulot sa mga bata na makalabas na ng kanilang mga tahanan.

Pinunto ng mambabatas, na noong nakaraang taon pa nananawagan ng mas malakas na fiscal stimulus ang mga ekonomista at negosyante, para mapigilan ang pagsasara ng mga kumpanya at ang kawalan ng trabaho.

Ito aniya ang dapat pakinggan ng pamahalaan at patuloy na magbigay ng wage subsidies.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.