Sen Pres Tito Sotto bumuwelta sa mga US Senador sa pakiki-alam na palayain si De lima at pagbasura sa kaso ni Rappler CEO Maria Ressa

Senate President Tito Sotto bumuwelta sa mga US Senators matapos maipasa ang isang resolusyon ng US Senate committee na nananawagan ng pagpapalaya kay Senadora Leila de Lima at pagbasura sa kaso ni Rappler CEO Maria Ressa.

watch the video here:

Batay sa US Senate Resolution 142, isa umanong “prisoner of conscience” si De Lima na ikinulong dahil sa kanyang mga political view at paggamit sa kanyang freedom of expression.

Magugunitang inaresto si De Lima noong 2017 dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga.

Samantala, tinawag naman ng mga senador mula sa Amerika na ang pag-aresto kay Ressa dahil sa libel at tax evasion ay bahagi ng paggamit sa rule of law para sikilin ang independent media.

Ipinanawagan din sa resolusyon kay US President Donald Trump na magpataw ng sanctions laban sa mga responsable sa pagdakip kay De Lima.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.