Sen. Pres Tito Sotto, tiwalang ‘di makakapasa sa Senado ang SOGIE bill

Nanindigan si Senate President Vicente Sotto III na hindi makakapasa sa Senado ang panukalang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (Sogie) Equality bill.

watch the video here:

Ayon kay Sotto, hindi bababa sa labinlimang senador ang alam niya sa ngayon na kontra sa naturang panukala.

Giit ng senate president, napag-aralan na niya ang naturang panukala at masasabi niyang hindi na kailangan pa ang naturang ipinapanukalang batas.Aniya, mayroon nang mga batas ngayon na magproprotekta sa karapatan ng bawat Pilipino at hindi lamang ng isang sektor ng lipunan.

Ngayong araw, personal na isinumite ng mga kontra SOGIE na civic at religious groups ang kanilang position paper kina SP Sotto, Senador Joel Villanueva at CIBAC partylist Representative Bro. Eddie Villanueva.

Kasabay nito, nagsagawa ng prayer rally sa harap ng senado ang ilang grupong kontra sa SOGIE bill.Tinatayang nasa limang libong katao ang nakiisa sa pagtitipon kaya’t isinarado na ang kahabaan ng Diokno Boulevard.Daing ng grupo, sisirain lamang ng SOGIE bill ang pamilyang pilipino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.