Sen Risa Hontiveros, Ikinatuwa ang pagsasampa ng kaso ng NBI vs. mga sangkot sa pastillas scam

Malugod na tinanggap ni Senador Risa Hontiveros ang pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 19 na Immigration personnel na sangkot umano sa tinatawag na “pastillas scam”.

Sinabi ni Hontiveros na ito ay isang major step tungo sa pagprotekta sa ating borders at sa kapakanan ng mga Pilipino, lalo na ang mga kababaihan at kabataan.

Sinabi rin ng mambabatas na ang pagsasampa ng kaso ay isang welcome development sa pagsusumikap nating maalis na ang korapsyon na siyang nagpapahintulot ng ilegal na pagpasok ng maraming POGO workers mula China kasama ang mga krimeng iniuugnay sa kanila.

Nitong Pebrero, pinangungunahan ng mambabatas ang mga pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na nagresulta sa pagkakabunyag ng ‘pastillas scheme’.

Sa ilalim ng naturang modus, ilang immigration officers umano ang nakakatanggap ng P10,000 pesos na ‘service fee’ mula sa mga Chinese national upang maging madali ang pagpasok nila dito sa bansa.

Pinuri ni Hontiveros ang aniya’y maagap na pag-aksyon ng NBI laban sa mga tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi rin ng mambabatas na umaasa siyang mas marami pang Immigration officials at travel operators, na sinasabing sangkot rin sa naturang modus, ang makakasuhan sa hinaharap.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.