Sen Risa Hontiveros, isinusulong ang “Balik-Trabaho Czar” dala ng pandemya

Sinusulong ni Senator Risa Hontiveros na magtalaga ng “Balik-Trabaho Czar” upang matugunan ang kawalan ng trabaho dala ng pandemya.

“Tutal mahilig ang Malacañang sa pag-aapoint ng czar sa iba’t ibang bahagi ng COVID-19 response, sana ay may italaga din na ‘ Balik Trabaho Czar” na magsisikap na ibalik ang trabaho ng milyong-milyong Pilipino ngayong panahon ng krisis,” giit ni Hontiveros.

Punto pa ng senadora na walang tiyak na opisyal ng gobyerno na hahawak sa paggawa at pagbabalik ng mga trabaho sa bansa.

“When I last spoke with Secretary Silvestre Bello III of the Department of Labor and Employment, he told me na hindi daw nya assignment ang employment preservation o employment creation. Then whose job is it? Who is in-charge?” tanong pa nito.

Giit pa ni Hontiveros na kung hindi maaagapan ang kawalan ng trabaho ay marami ang magugutom, hindi makakapag-aral at makakapagpagamot.

“The unemployment crisis may not be an infectious disease like COVID-19, but it is spreading fast like one in communities nationwide. This is an urgent problem that seriously needs utmost attention from the government,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa senadora, naitala ang bilang na 4.6 milyong Filipino ang walang trabaho ayon sa ulat nitong Hulyo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.