Sen. Risa Hontiveros, pinasusuri sa COA ang Cybersecurity funds ng DND

Hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa cybersecurity funds ng Department of National Defense (DND) dahil walang item na may relasyon dito ang P500 milyong hinihingi sa 2021.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros kailangan malaman kung paano ginastos ng DND ang cybersecurity funds nitong 2020 dahil humihingi ulit ang ahensiya ng P500 milyon sa akatulad na kategorya para sa 2021.

“Hindi talaga maliwanag kung saan napupunta ang cybersecurity fund. Hindi maliwanag kung saan nga ba ginagamit ang kaban ng bayan. I flagged this amount because we want specifics. We want to make sure DND is spending the P500M wisely,” ayon kay Hontiveros.

Sa ginanap na pagdinig sa badyet ng DND, sinubukan ni Hontiveros na linawin ang mga figure alinsunod sa dokumento na ahensiya na isinumite sa Senate Committee of National Defense:

“Meron po bang fund para sa cybersecurity laban sa ikinakatakot na panghihimasok ng Tsina sa pamamagitan ng Dito towers sa loob mismo ng ating mga camps? Are these funds in the budget and where are they (itemized)?” tanong ng senador.

Nilinaw naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaklasipika ang cybersecurity funds measures sa ilalim ng AFP Modernization Fund.

Aniya, may probisyon sa panukala ng halagang P5 bilyon na nakalaan sa AFP Modernization Fund sa ilalim ng Unprogrammed Fund.

“Meron po tayong 500 million pesos to improve our cybersecurity capability, na nakalagay sa ating Modernization Fund ng 2020. And another 500 million for 2021,” ayon kay Lorenzana pero hindi pinalawak ang espisipikong item na may kaugnayan sa cybersecurity spending.

Nauna nang pinuna ni Hontiveros ang budget proposal ng DND sa gitna ng kasunduan ng Armed Forces of the Philippines at China-owned DITO Telecommunity Corporation.

“What we need to see from the DND is a robust cybersecurity roadmap that does assure us that our Armed Forces is more than ready for inevitable cyberthreats. At sa usapin ng cybersecurity, ano ang prayoridad ng DND? ‘Internal’ threat nanaman ba kesa ‘external’?” aniya saka idinagdag na ang pinakamalaking cybersecurity threat ang patuloy na interception ng China-backed groups.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.