Sen. Sonny Angara, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Senador Sonny Angara na nagpositibo siya sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa pahayag ng senador ngayong araw, sinabi nitong ngayong araw niya lang natanggap ang kumpirmasyon ng kanyang COVID-19 test, na isinagawa noong March 16.

Nilinaw naman ni Angara, na mula nang magpa-test siya ay wala na siyang nakasalamuha sa publiko.

Nakaramdam rin aniya ang senador ng ilan sa mga sintomas ng sakit gaya ng lagnat, ubo, pananakit ng ulo, at panghihina ng katawan.

Si Angara na ang ikatlong senador na nagpositibo sa COVID-19, matapos makumpirmang positibo rin sa virus sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senador Koko Pimentel.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.