Sen. Sotto, Pimentel: Death penalty, malaki ang tiyansa kung limitado lang sa drug trafficking

Naniniwala sina Senate President Vicente Sotto III at Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel na mas malaki ang tiyansang makapasa ang panukalang death penalty kung lilimitahan lang ito sa mga heinous crime na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ayon kay Sotto, malabong makapasa ang death penalty para sa kasong plunder dahil maaaring maraming mambabatas ang tumutol dito.

Susubukan aniya nilang kumbinsihin ang kanilang mga kasamahan tungkol sa panukalang death penalty, ngunit tiyak na magiging mabigat ang debate tungkol dito.

Para naman kay Pimentel, kung lilimitahan lang sa heinous crime ang death penalty ay mas malaki ang posibilidad na makapasa ito.

Pero kung magdadagdag pa ng ibang uri ng krimen, mas maraming mambabatas ang tututol at hindi susuporta dito.

Matatandaan, sa naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan siya sa mga mambabatas na ipasa na ang death penalty para sa mga krimeng may kaugnayan sa ilegal na droga at maging sa plunder.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.