Sen Tito Sotto, sa US senators na kumampi kay De Lima: I-ban din sila sa Pinas

Dalawang senador ang bumuwelta sa pasya nina United States Senators Patrick Leahy at Dick Durbin na pagbawalang tumapak ng Amerika ang mga opisyales ng Pilipinas na responsable umano sa pagkakakulong ni Senadora Leila de Lima.

watch the video here:

Ayon kay Senador Bong Go, maghahain ito ng kaparehong panukala kay Pangulong Rodrigo Duterte nang sa gayon ay mapagbawalan din ang American lawmakers na makatapak sa lupa ng Pilipinas.

“These senators should also be banned here in the Philippines. I will suggest to President Duterte to ban these legislators from entering our country for interfering in our internal affairs. These senators think they know better than us in governing ourselves,” ani Go.

Ang ban proposal aniya ng US lawmakers ay malinaw na sampal umano sa Philippine sovereignty at judicial process.

“It is an affront [to] our sovereignty and our ability to govern ourselves. It unduly pressures our independent course and disrespects the entire judicial process of the Philippines by questioning its competence,” sabi pa niya.

Tinawag namang pakialamero ni Senate President Vicente Sotto III ang US senators sa Philippine affairs.

“Ano kaya pakiramdam ng senador na ‘yun kung mayroong mag-file ng resolution dito na sabihin na huwag papasukin sa Pilipinas lahat ng mag-i-impeach kay Trump? Ano kaya sasabihin nun? Pakialamero eh,” ani Sotto.

Aniya, mananatiling inosente si De Lima sa harap ng batas hangga’t hindi ito napapatunayang guilty kung kaya walang lugar umano ang isang US senator na husgahan ang kaso.

Sina Leahy at Durbin, ang mga US senator na matagal nang nananawagan sa pagpapalaya kay De Lima.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.