Sen Zubiri, nilinaw na maituturing heinous crime na ang hazing sa ilalim ng RA 11053

Nilinaw ni Senate Majority Leader Juan Miguel Subiri na itinuturing na bilang heinous crime ang hazing sa ilalim ng Republic Act 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018.

Sinabi ito ni Zubiri, kasunod ng suhestiyon ng mga magulang ng isa pang hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo na gawing heinous crime ang hazing.

Giit ni Zubiri, inamyendahan ng RA 11053 ang lumang Anti-Hazing Law na RA 8049 upang mapalakas ang parusa sa mga magsasagawa ng hazing.

Sa ilalim ng mas bagong version, pinapatawan na ng parusang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong ang mga mapapatunayang guilty sa hazing kung nagresulta sa pagkamatay, rape o mutilation ang naturang aktibidad.

Base sa nakasaad sa batas, maituturing na heinous crime ang krimen kung may parusa itong reclusion perpetua o hanggang apatnapung taong pagkakakulong at habang buhay na pagkakakulong.

Giit ni Zubiri, nasa kamay na aniya ng mga otoridad ang pagpapatupad ng naturang batas.

Samantala, sinabi naman ni Senador Ping Lacson, na wala na siyang nakikitang rason upang magsagawa pa ng senate inquiry tungkol sa insidente dahil malinaw na ang batas tungkol dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.