Senador Recto nais pataasan ang sweldo ng mga medical personnel ng pamahalaan

Nananawagan si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gobyerno na gawing regular, i-promote, at taasan ang sweldo ng mga health worker na nagtatrabaho sa pamahalaan…

Ito ay bilang pabuya sa kanilang serbisyo sa kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic ng bansa.

Ayon kay Recto, araw-araw humaharap at nakikipaglaban sa nakamamatay na COVID-19 ang ating mga public health worker, kaya dapat lang ibigay sa kanila ang pagtaas ng salary grade at promotion sa susunod na ranggo.

Giit ng senador, maraming mga empleyado sa pamahalaan, kabilang na ang mga nasa Department of Health (DOH) hospitals, ang stranded sa kanilang salary grade at ngayon ang karapat-dapat na panahon para ibigay sa kanila ang salary upgrade.

Habang ang mga matagal nang nagsisilbi bilang casuals o contractual employee naman, ay dapat na aniyang gawing regular…

Ipinanawagan rin ng senador ang pagbibigay ng hazard pay sa mga public health worker.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.