Senate hearing sa Franchise renewal ng ABS-CBN, didinggin ng Senado kahit wala pang aksyon ng Kamara – Sen Poe

Ikinakasa na ng Senate Committee on Public Sevices na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ang gagawing pagdinig ukol sa franchise renewal application ng ABS-CBN kahit hindi pa ito nabibigyan ng atensyon ng Kamara.

Nilinaw naman ni Poe, na hindi nya hangad na i-pressure ang mababang kapulungan para dinggin na ang aplikasyon sa franchise renewal.

Unang naghain ng resolusyon si Poe para dinggin ang umano’y mga paglabag ng ABS-CBN sa prangkisang hawak nito.

Pero nagpasya si Poe na kanila ng bubusisiin ang application for franchise renewal ng ABS-CBN para makapagpalabas sya agad ng committee report sa oras na maitransmit na ng Kamara ang desisyon nito ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.