Senate President Tito Sotto, binigyan ng gradong 8.5 si Pangulong Duterte

Binigyan ng gradong 8.5 ni Senate President Vicente Sotto III si Pangulong Rodrigo Duterte sa apat na taong panunungkulan nito bilang pinuno ng bansa.

Para kay Sotto, ginawa ni Pangulong Duterte ang kanyang makakaya para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino gamit ang kamay na bakal na bihira aniyang makita sa executive branch.

Sa ilalim rin aniya ng pamumuno nito ay nabawasan ang ingay at karahasan na dulot ng mga makakaliwa at mga teroristang grupo.

Napigil rin aniya nito ang halos kalahating siglo nang paghihimagsik ng mga komunista at nag-lie low rin aniya ang mga sindikato ng mga kriminal.

Pinunto rin ni Sotto ang pagiging independent at dynamic ng ating foreign policy sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon

Nakabawas lang aniya sa score na binigay niya sa Pangulo ang problema sa COVID-19 pandemic at sa ating transportasyon.

Sa huling dalawang taon ng Duterte administration, sinabi ng Senate president na kabilang sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng Pangulo ang pagresolba sa mga problemang idinulot ng COVID-19 pandemic, ipagpatuloy ang economic gains ng bansa, at ang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.