Senator Bong Go: ‘Black propaganda’ wag bigyan ng puwang sa halalan

Idiniin ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na huwag dapat bigyan ng puwang sa malinis at parehas na halalan ang “black propaganda” ng mga kandidato.

Sinabi ito ni Sen. Go sa gitna ng isyung kinakaharap ng prangkisa ng ABS-CBN na hinayaang makalusot ang anti-Duterte ads na binayaran ni dating Senador Antonio Trillanes IV noong 2016 election campaign.

Ayon kay Go, ang black propaganda ay hindi nagpo-promote parehas na eleksyon.

“Pwede raw ‘yung ads? Bakit hindi pinayagan ng ibang network? Para sa kanila, hindi fair ang ads na iyon. It was pure black propaganda para dumihan ang isang kandidato,” ang reaskyon ni Go sa naging paliwanag ng ABS-CBN management sa pagpayag na mailabas ang mapanirang ads ni Trillanes.

“‘Di ba ang Commission on Elections (COMELEC) dapat, fair elections? Kung paninira, hindi na fair iyon. Iyon ang tinatawag na unfair elections,” dagdag niya.

Binatikos ni Go ang malisyosong motibo ni Trillanes sa nasabing ads, sa pagsasabing dapat ay ibinida na lamang ng dating senador ang sarili bilang kandidato sa pagkapangalawang pangulo, imbes na atakehin ang ibang kandidato.

“Bakit siya nagbayad ng ads para sa paninira? Bakit hindi na lang niya pinromote ang sarili n’ya? Bakit siya gumastos para siraan si then Mayor Duterte? ‘Yun talaga medyo madumi,” ani Go.

Kaya sa pagdinig ng Senado noong Lunes, ipinaliwanag ni Go na dapat samantalahin ngayon ng mga kapwa niya mambabatas na tiyaking ang pagbibigay ng prangkisa sa giant network ay may layong maprotektahan ang pampublikong interes at hindi upang gamitin para iligaw sa impormasyon ang sambayanan.

Gusto ko lang malaman, ano ba ang priority ng network? Kumikita ang network through the airing of political ads,” aniya.

“Hindi mababaw ang rason ng Pangulo sa kanyang grievances against the network. Nasaktan ang Presidente. Nababoy ang Presidente. Hindi vindictive ang Pangulo, but it is clear that someone went overboard in trying to malign him.”

“Media networks are supposed to be neutral and impartial. But if this is the case–if some media networks and some political elites and economic elites can get together and destroy the candidacy of one candidate–tama nga ang Pangulo na labanan ang mga elitista at oligarkiya na kasalukuyang naghahari sa ating bansa,” ang diin ni Go. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.