Senator Grace Poe -Prangkisa ng ABS-CBN, hihimayin na ng Senado

Naghain ng isang resolusyon si Senador Grace Poe upang simulan ang paghimay sa prangkisa ng ABS-CBN na hindi pinangungunahan ang pagkilos ng Mababang Kapulungan at Korte.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na sisimulan ng resolusyon ang diskusyon tungkol sa ABS-CBN Corporation ng Senate Committee on Public Services sa pagtupad ng ginawaran sa mga termino at kondisyon ng prangkisa nito para bigyan ang lahat ng partido na ipaliwanag ang kanilang panig.

Sinabi ni Poe na bahagi ito ng oversight function ng Senado sa anumang prangkisa at hindi lamang sa ABS-CBN, na minamandato ng Konstitusyon at Alituntunin ng Senado.

“Dahil sa bigat ng mga alegasyon at posibleng epekto nito, minarapat ng Komite na ilatag na ang panimula para sa pagsusuri para sa kapakanan na rin ng publiko,” ayon kay Poe.

Nakatakdang mapaso ang 25 taong prangkisa ng network sa huling araw ng Marso.

Ngunit, ayon kay Senate President Vicente Sotto III na hindi nangangahulugan napaso ito, hihinto na operasyon ng network.

Aniya, may nakabinbin nang panukala sa komite ng Mababang Kapulungan kaya mangangahulugan na “extended” ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Hindi pinangungunahan ng aksiyong ito sa Senado ang Kamara o ang Korte Suprema. Matagal nang naresolba ng Korte Suprema ang isyu ng subjudice sa Sabio vs. Gordon at sa mga kasong sumunod rito: “On-going judicial proceedings do not preclude congressional hearings in aid of legislation,” paliwanag pa ni Poe. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.