Senior medical workers, posibleng maunang maturukan ng AstraZeneca COVID vaccines

Posibleng sa mga senior medical worker ipagkaloob ang AstraZeneca COVID-19 vaccines, na dumating sa Pilipinas kagabi.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., bagamat wala pang pinal na protocol kaugnay nito, ilang mga doktor aniya ang nagrekomenda na ibigay ito sa mga senior healthcare worker.

Sinabi ng kalihim, na sa ganitong paraan mapupunan ang limitasyon ng Sinovac vaccines, na bagamat ipinapagamit sa mga medical frontliner, hindi naman inire-rekomenda sa mga senior citizen.

“May mga doctor po na nagsasabi, priority natin yung mga senior healthcare workers. So yung deployment po nito, sa mga hospital pa rin po.” —Secretary Galvez.

Kaugnay nito, sinabi ni Secretary Galvez, na agad ring uumpisahan ang roll out ng AstraZeneca vaccines, isinasapinal na lang aniya ang rekomendasyon ng interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) kaugnay dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.