Si Trillanes ang tunay na “narcissist” – Sec. Panelo

Binuweltahan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV makaraang bansagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “narcissist.”

“Palibhasa kasi pag nakikita nitong dating senador na ito ang sarili niya sa salamin, nakikita niya yung paglalarawan niya kay Presidente actually ang nilalarawan niya siya ,” ang pahayag ni Panelo sa kanyang online commentary show na “Counterpoint”.

Binigyang diin ni Panelo na ang pag-e-ehersisyo at isport ay ikinukunsiderang “essential” sa gitna ng pandemya at sa gitna na rin ng pagpapalabas ng larawan at video na nagdya-jogging at naglalaroo ng golf si Pangulong Duterte.

“Yung ginawa ni Presidente na vinideo yung kanyang paglalakad, pagja-jogging, para ipakita dun sa mga naninira na siya daw ay may sakit at mamamatay na. Ba’t mo sasabihin non-essential ‘yun, di ba ang page-ehersisyo essential ‘yun?,’ aniya.

Sa kabila nito ay nananatili naman aniya ang Pangulo na “in command” sa mga kaganapan sa bansa lalo na sa pagtutok sa pagtugon sa Covid 19.

“He is in command. Hindi kailangan ipakita pa sa inyo kung ano yung ginagawa niya. Ang mga naghananap po niyan yung mga kontra sa kanya, yung mga naninira sa kanya,” diing pahayag ni Panelo.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na kailangan pang patunayan ngPangulo na siya ay nagta-trabaho dahil naniniwala naman ang buong bansa at ang sambayanang filipino na siya ay “on top” sa COVID-19 situation.

“Ang Presidente walang iniisip kundi yung mga problema ng bayan. May mga iba kasi nagpapakita lang pag sila’y nagpapatrabaho para lang pagpapakita purposes. Pero alam naman natin na ang Presidente natin 24/7 ang kaniyang pag-iisip ay nasa bayan po,” ang pahayag ni Sec. Roque

Sa ulat, muli na naman kasing nagpasaring sa social media si Trillanes laban kay Pangulong Duterte.

Kamakailan ay may kumakalat na bali-balita na nawawala umano ang pangulo sa gitna ng panibagong krisis na kinakaharap dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng may sakit sa COVID-19 sa bansa.

Marami tuloy ang usap-usapan at spekulasyon lalo na sa kampo ng oposisyon at makaka-kaliwa na di umano ay may sakit ang pangulo at inatake sa puso at tuluyan ng pumanaw.

Ngunit agad namang dinepensahan ito ng mga malalapit sa pangulo at nagpakita pa ng larawan o selfie si senador Bong Go na sila ay magkasamang nagtatrabaho.

Ngunit para sa Trillanes, hindi naman daw nagkasakit si Duterte kundi ito ay sadyang tamad lamang.

“It’s official: Wala syang sakit, tamad lang…plus palpak!” sa Twitter post ni Trillanes nitong Huwebes, Abril 8.

Kasabay ng post nyang ito ay ang caption na #duterteTamad and #dutertePalpak na umani naman ng 5,000 na pagsangyaon, at mahigit na 800 retweets naman ang nagbahagi sa iba.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.