Sibak at suspendido, 12 tauhan ng DPWH dahil sa katiwalian

Sibak sa trabaho habang sinuspinde naman ang nasa 12 empleyado ng Department of Public Works and Highways dahil sa umanoy katiwalian, ayon kay Secretary Mark Villar, Miyerkoles.

Bukod dito, pinagkakasuhan na rin at na-blacklist ang ilang mga kontraktor na nasangkot sa anomalya.

“May mga nadi-dismiss at marami na tayong, mayroon mga na-suspend. So continuous naman. Hindi kami titigil,” ani Villar.

“Nagkaroon din kami ng reshuffling within the department. Almost a third of the district engineering offices have been reshuffled,” giit pa ng kalihim.

Hindi na muna pinangalanan ni Villar ang mga nasangkot sa reklamo.

Ang aksyon ay bunsod ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Villar na linisin ang kanyang kagawaran.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.